Wednesday, October 8, 2014

Teachers Manual sa Filipino

GABAY NG GURO SA BAITANG 7 UNANG MARKAHAN LINGGO 1 I. Mga Kagamitan Unang Araw a. CD player/mp3 player b. Concept Map ng salitang “Pagkabata” c. Kuwadradong papel na maaring sulatan ng isang salita d. Kopya ng “Batang-bata ka pa” Ikalawang Araw a. Papel na susulatan ng talata b. Papel para sa Venn Diagram Ikatlong Araw a. Makukulay na papel b. Gunting c. Pandikit II. Pamamaraan Unang Araw a. Panimulang Pagtaya (10 minuto) Magpakita ng isang concept map ng salitang “pagkabata”. Bawat mag-aaral ay bibigyan ng papel na pagsusulatan nila ng isang salitang maglalarawan sa kanilang pagkabata. Ididikit nila ito sa palibot ng concept map at maaring magbahagi ang ilang mag-aaral kung bakit ito ang salitang isinulat nila. b. Presentasyon (15 minuto) Bigyan ang bawat mag-aaral ng kopya ng awit na “Batang-bata ka pa” o magpaskil ng kopyang pangklase sa pisara. Patutugtugin ang awit nang dalawang beses upang mapakinggan ng mga mag-aaral. c. Pagpapayaman (20 minuto) Magkaroon ng talakayan tungkol sa pinakinggang awit: 1. Ano ang pamagat ng awit? 2. Tungkol saan ang awit na ito? 3. Paano inilalarawan ng awit na ito ang pagkabata? 4. Sumasang-ayon ka ba sa sinasabi nito? 5. Ano sa tingin mo ang tinutukoy ng awit na “karapatan” kahit bata pa? 6. Ano kaya ang mga bagay na hindi pa nalalaman ng mga bata ayon sa awit? 7. Matapos marinig at mabasa ang awit na ito, may nabago ba sa pagtingin mo sa ‘pagkabata’? Ibahagi kung mayroon. 8. Masasabi mo bang tama ang paglalarawan ng awit sa pagkabata? Bakit o bakit hindi? 9. Kung ikaw ay magpapayo sa mas bata sa’yo tungkol sa pagkabata, ano ang sasabihin mo sa kaniya? 10. Kung mabibigyan ka ng pagkakataong baguhin ang isang bahagi ng awit, anong bahagi ang babaguhin mo at bakit ito ang nais mong baguhin? d. Pagpapalawig (10 minuto) Bawat mag-aaral ay gagawa ng isang Venn Diagram tungkol sa mga katangian nila noong sila ay bata pa at ngayong nasa hay iskul na sila. Ibabahagi ng ilang mag-aaral ang kanilang Venn Diagram. e. Sintesis (10 minuto) Ibabahagi ng ilang mag-aaral ang kanilang ginawa/isinulat. Maaring piliin nalang ng guro ang unang 10 na matatapos o kung tapos na ang lahat, mamimili ang guro ng sampung magbabahagi sa klase. Ikalawang Araw a. Presentasyon (15 minuto) Tatalakayin ng guro ang mga tuntunin at kayarian ng talata. Magpapakita ang guro ng halimbawa ng talata. Gagamitin niya ang talatang ito upang maipakita sa mga mag-aaral ang tuntunin at kayarian ng talata. Tuntunin: ¥ paggamit ng palugit sa unang linya ng talata ¥ paggamit ng wastong bantas ¥ pagbabaybay nang wasto Kayarian: ¥ simula ¥ gitna ¥ wakas b. Pagpapayaman (30 minuto) Sa tulong ng ginawa nilang Venn Diagram, susulat ng dalawa hanggang tatlong talata ang mga mag-aaral tungkol sa mga nabago sa kanila mula noong sila ay bata pa na sumusunod sa napag-aralang tuntunin at kaayusan ng talata. Maaari ring magbigay ng komento ang guro o ang mga kaklase sa ginawang talata ng nagbahagi upang mapaunlad at mapahusay pa ang pagsusulat niya ng talata. c. Pangwakas na Pagtataya (15 minuto) Ang ilan sa mga mag-aaral ay magbabahagi sa klase ng kanilang isinulat. Ikatlong Araw a. Pagganyak (15 minuto) Magsasabi ang guro ng ilan sa mga payo na makukuha mula sa awit. Pagkatapos, magkakaroon ng maikling talakayan tungkol sa mga payong ibinibigay sa kanila ng mga magulang nila. Talakayan: 1. Ano ang mga payong ibinibigay sa inyo ng mga magulang ninyo? 2. Nasusunod niyo ba ito? Bakit o bakit hindi? 3. Pareho ba ang mga payo nila noong kayo ay bata pa at ngayong hay iskul na? Kung hindi, paano ito nagkakaiba? b. Sintesis (15 minuto) Magkakaroon ng diskusyon tungkol sa kanilang buhay hay iskul. Talakayan: 1. Ano ang mga inaasahan mong pagbabago ngayong hay iskul ka na? 2. Ano ang mga bagay na hahanap-hanapin mo mula sa iyong pagkabata o noong nasa elementarya ka pa? 3. Ano ang mga plano mong gawin upang makasabay sa mga pagbabagong ito? c. Pangwakas na Pagtataya (30 minuto) Bawat mag-aaral ay guguhit o gagawa ng larawan o representasyon ng isang bagay na maaring sumimbolo sa buhay hay iskul. Bibigyan ang klase ng mga makukulay na papel, pandikit, gunting, at iba pang kagamitan na maari nilang gamitin sa paggawa ng larawan o representasyon. Bibigyan sila ng sampung minuto para gawin ito. Ang nalalabing sampung minuto ay ilalaan sa pagbabahagi ng mga mag-aaral. Ipakikita nila sa klase ang kanilang ginawa at ipaliliwanag nila kung bakit ito ang kanilang napili. LINGGO 2 I. Mga Kagamitan Unang Araw a. Piraso ng papel na naglalaman ng talasalitaan b. Kopya ng akdang “Ang Sundalong Patpat” Ikalawang Araw a. Kartolina b. Pentel Pen c. Pangkulay d. Tsart ng elemento ng kuwento Ikatlong Araw a. Makukulay na Papel b. Gunting c. Pentel Pen II. Pamamaraan Unang Araw a. Panimulang Pagtataya (10 minuto) Ipakilala ang mga salita mula sa kuwento gamit ang mga kontekstuwal na pahiwatig. Maaaring isulat sa pisara ang mga salita at kahulugan. • Umimbulog -lumipad paitaas CC: Ang laruang eroplano ay marahang umimbulog sa malakas na hangin. • Nakatinghas -nakatindig CC: Laging nakatinghas ang mga balahibo ng pusa niya. • Tinigpas – pinutol gamit ang patalim CC: Tinigpas isa-isa ng hardinero ang mga damo sa hardin. • Sumibad – mabilis na umalis CC: Sumibad agad ang mga kaibigan ko matapos kumain sa handaan. • Ipinukol -inihagis CC: Ang mga maliliit na bulaklak ay ipinukol sa debutante. • Gusi – malaking banga na karaniwang pinaglalagyan ng kayamanan CC: Hinahanap ng reyna ang gusi na pinaglalagyan ng lahat ng kaniyang mga alahas. b. Pagganyak (10 minuto) Bawat mag-aaral ay bubunot ng mga papel na hugis patak-ulan. Bawat patak-ulan ay may bilang mula isa hanggang lima. Magugrupo ang magkakatulad ng bilang. Ito ang magiging grupo nila para sa Readers’ Theatre. Bigyan sila ng kopya ng kuwento na nagsasaad ng bahagi na kanilang gagawin. Mayroon silang limang minuto upang maghanda para sa Readers’ Theatre. c. Presentasyon (20 minuto) Ang klase ay magkakaroon ng Readers’ Theatre ng “Ang Sundalong Patpat” ni Virgilio Almario. Ang akda ay maaaring ipauwi bago ang linggong ito. ANG SUNDALONG PATPAT Rio Alma Unang Pangkat: “Saan ka pupunta, O, Sundalong Patpat,” tanong ng sampalok. “Saan ka dadalhin ng kabayong payat?” “Hahanapin ko ang nawawalang ulan,” sagot ng Sundalong Patpat habang inaayos ang papel na sombrero. “Pero hindi hinahanap ang ulan,” nag¬tatakang nagkamot ng tuktok ang sampalok. “Dumarating ito kung kailan gusto.” “Kung gayon, aalamin ko kung bakit matagal nang ayaw dumalaw ng ulan,” sagot ng Sundalong Patpat at pinatakbo ang kaniyang kabayong payat. Ikalawang Pangkat: “Saan ka pupunta, O, Sundalong Patpat,” tanong ng manok. “Saan ka dadalhin ng kabayong payat?” “Hahana¬pin ko ang nakalimot na ulan,” sagot ng Sundalong Patpat habang nagpupunas ng pawis na tumatagaktak. “Pero hindi hinahanap ang ulan,” nagtatakang tilaok ng manok. “Dumarating ito kung tinatawagan at dinadasalan.” “Kung gayon, aalamin ko kung bakit matagal nang hindi makarinig ang ulan,” sagot ng Sundalong Patpat at pinatakbo ang kaniyang kabayong payat. Ikatlong Pangkat: “Saan ka pupunta, O, Sundalong Patpat,” tanong ng bundok. “Saan ka dadalhin ng kabayong payat?” “Hinahanap ko ang nawawalang ulan,” sagot ng Sundalong Patpat habang hinihimas ang kabayong humihingal. “Matagal nang umalis dito ang ulan,” paliwanag ng kalbong bundok. “Nagtago sa pinakamataas na ulap.” “Kung gayon, aakyatin ko ang ulap,” sabi ng Sundalong Patpat at umimbulog agad sa simoy na pumapagaspas. Ikaapat na Pangkat: “Saan ka pupunta, O, Sundalong Patpat,” tanong ng ulap. “Saan ka dadalhin ng kabayong payat?” “Hinahanap ko ang nagtatagong ulan,” sagot ng Sundalong Patpat habang tinatapik ang nahihilong kabayong payat. “Matagal nang umalis dito ang ulan,” paliwanag ng maputlang ulap. “Nagtago sa pusod ng dagat.” “Kung gayon, sisisirin ko ang dagat,” sabi ng Sundalong Pat-pat at lumundag pabulusok sa mga along nakatinghas. Ikalimang Pangkat: “Saan ka pupunta, O, Sundalong Patpat,” tanong ng dagat. “Saan ka dadalhin ng kabayong payat?” “Hinahanap ko ang nagtatagong ulan,” sagot ng Sundalong Patpat at iwinasiwas ang espadang patpat. “Pero hindi nagtatago ang ulan,” paliwanag ng nagniningning na dagat. “Ibinilanggo ni Pugita sa kaniyang mutyang perlas.” “Kung gayon, papatayin ko si Pugita,” sabi ng mata¬pang na Sundalong Patpat. “Palalayain ko ang ulan.” At sinugod ng Sundalong Patpat sakay ng kaniyang kabayong payat ang yungib ni Pugita. Nagulat si Pugita sa biglang pagpasok ng Sundalong Patpat na iwinawasiwas ang espadang patpat. Nagulat si Pugita sa liksi at lakas ng maliit na Sundalong Patpat. Nagulat si Pugita sa talim at talas ng kumikislap na espadang patpat. Una at Ikalawang Pangkat: Mabilis at isa-isang tinigpas ng Sundalong Patpat ang malalaki’t mahahabang galamay ng mabagal at matabang dambuhala. Isa, dalawa, tatlo. Apat. Lima. Anim. Pito. Walo! Huli na nang magbuga ng maitim na tinta si Pugita. Nasungkit na ng Sundalong Patpat ang mutyang perlas na nakapalawit sa kuwintas ng nalumpong hari ng dagat! Ikatlo at Ikaapat na Pangkat: Hawak ang perlas, dali-daling sumibad patungong pampang ang Sundalong Patpat sakay ng mabilis na kabayong payat. Pag-ahon ay agad niyang ipinukol ang mutyang perlas paitaas, mataas, mataas na mataas, hanggang umabot sa tiyan ng ulap at sumabog na masaganang ulan. Ikalimang Pangkat: Nagbunyi ang buong daigdig. Sumupling muli’t naglaro ang mga damo’t dahon. Nagbihis ng lungtian ang mga bukid at bundok. Muling umawit ang mga ibon at ilog... Lahat: “Saan ka pupunta, O, Sundalong Patpat,” tanong ng sampalok. “Saan ka na naman dadalhin ng kabayong payat?” “Hahanapin ko ang gusi ng ginto sa puno ng bahaghari,” sagot ng makisig na Sundalong Patpat at pinatakbo ang makisig na kabayong payat. d. Pagpapayaman (20 minuto) Magkakaroon ng talakayan tungkol sa akdang Ang Sundalong Patpat: 1. Sino ang pangunahing tauhan sa ating kuwento? 2. Sino ang kaniyang kasama? 3. Ano ang hinahanap niya? 4. Bakit kaya niya ito hinahanap? 5. Sino-sino ang mga napagtanungan niya? Ano ang mga sinagot nila? Isa-isahin. 6. Kung ikaw ang sundalong patpat, maniniwala ka ba agad sa mga sinabi nila? 7. May mga bagay din ba kayong hinahanap? Ano ang mga ito? 8. Saan niya natagpuan ang hinahanap niya? 9. Madali niya ba itong nakuha? Ano ang ginawa niya? 10. Kung ikaw ang sundalong patpat, magpupursigi ka rin ba para lang maibalik ang ulan? 11. Bakit kaya kinuha ng pugita ang perlas? 12. Ano kaya ang naramdaman ng sundalong patpat matapos niyang maibalik ang ulan? 13. Natapos na ba ang paglalakbay niya? 14. Bakit kaya gustong-gusto niyang maglakbay? 15. Ano ang mga nais ninyong mahanap o mapuntahan sa inyong buhay? Bakit? Ikalawang Araw a. Presentasyon (20 minuto) Magpakita ng isang tsart na kailangang punan ng klase. Itanong ang mga sumusunod na tanong kaugnay ng tsart na ipinakita. Talakayan: 1. Saan kaya naganap ang kuwento? 2. Sino-sino ang mga tauhan sa kuwento? 3. Ano ang naging suliranin sa kuwento? 4. Paano ito nalutas? Isusulat sa tsart ang mga sagot ng mag-aaral. Tanong Sagot Elemento Saan kaya naganap ang kuwento? Sino-sino ang mga tauhan sa kuwento? Ano ang naging suliranin sa kuwento? Paano ito nalutas? Matapos sagutin ang mga tanong at maisulat ito sa tsart, susubukin ng mga mag-aaral na tukuyin kung anong elemento ng kuwento ang ipinapakita ng mga sagot nila. Kapag natukoy na ang mga elemento, babalikan ang mga tanong upang malaman ang ibig sabihin ng bawat elemento. Bigyang tuon sa pagtalakay ang mga tauhan ng kuwento. b. Pagpapayaman (25 minuto) Bubuo ang klase ng anim na grupo. Bawat grupo ay bubunot ng papel mula sa guro na naglalaman ng tauhan sa kuwento. Ang mabubunot nilang tauhan ay gagawan nila ng character profile. Lalamanin ng character profile na ito ang larawan at pangalan ng tauhan. Kasama nito ang kanilang mga sagot sa mga sumusunod na tanong: 1. Ano ang tingin mo sa ulan? Ano ang katangian nito? (Halimbawa: Ang ulan ay dumarating lamang kapag dinasalan o tinawag.) 2. Paano mo nasabi? (Halimbawa: Dahil ang tingin niya sa ulan ay parang Diyos na kailangang dasalan o tawagin bago dumating.) Bibigyan ang mga grupo ng mga kagamitan na maari nilang gamitin sa paggawa ng masining na mga profile. c. Pangawakas na Pagtataya (15 minuto) Ibabahagi ng bawat grupo ang ginawa nilang character profile. Lalagumin ng guro ang napag-usapan bago matapos ang klase. Ikatlong Araw a. Pagpapalawig (15 minuto) Magkaroon ng talakayan tungkol sa mga bagay na kinatatakutan nila: 1. Ano ang mga bagay na kinatatakutan mong gawin o subukin? Bakit? 2. Bukas ka bang subukin ito isang araw? Bakit o bakit hindi? b. Pagpapalawig (30 minuto) Pasulatin ang mga mag-aaral tungkol sa isang bagay na kinatatakutan nilang subukin at kung paano mawawala ang takot na ito. c. Pangwakas na Pagtataya (15 minuto) Maghahanap ng kapares ang bawat mag-aaral at ibabahagi nila ang kanilang isinulat. Maari ding magbigay ang bawat isa ng mga "tips" kung paano mawawala ang kanilang takot at masusubukan ang mga bagay na nais nilang subukin. Matapos ang ilang araw, maaring mag-usap muli ang magkapares upang ibahagi ang karanasan nila sa pagsubok ng bagay na kinatatakutan nila. LINGGO 3 I. Mga Kagamitan a. Mga human bingo card (isa para sa bawat mag-aaral) b. Kopya ng akdang “Isang Dosenang Klase ng High School Students” II. Pamamaraan Unang Araw a. Panimulang Pagtaya at Pagganyak (15 minuto) Bigyan ng tig-isang human bingo card ang mga mag-aaral. Pagkatapos ay ibigay sa kanila ang panuto: Lumibot kayo sa klasrum at magtanong-tanong sa mga kaklase kung sino ang nakagawa na o kaya ay inilalarawan ng mga nakasaad sa bawat kahon ng bingo card. Kapag may nahanap kayo, papirmahin siya sa kahon. Ang pinakamauunang maka-“blackout” ay siyang panalo. b. Presentasyon ng Akda (20 minuto) Bigyan ng kopya ng akda ang bawat mag-aaral. Ipabasa ito nang tahimik sa kanila. c. Pagpapayaman (25 minuto) May 12 klase ng estudyanteng inilarawan sa akda. Pagpangkat-pangkatin sila ayon sa pag-uuring ginawa sa akda. (i. e., magsama-sama ang mga clowns, geeks, anak ni Rizal, atbp.) Pagkatapos ay isa-isahin ang bawat grupo. Ipabasa nang malakas sa kanila ang deskripsyon nila sa akda. Humingi ng puna o feedback sa ibang grupo kung lahat nga ng nasa grupong nagbasa ay nababagay talaga sa pangkat na iyon. (Sang-ayon ba kayo na clowns nga silang lahat? Na geeks silang lahat? Na anak ni Rizal silang lahat? Bakit?) Bago matapos ang klase, magbigay ng takdang-aralin sa kanila bilang paghahanda sa susunod na araw: iisip sila ng isang bagay na simbolo o naglalarawan ng kanilang sarili at humanda sa pagbabahagi sa klase ng tungkol dito. Ikalawang Araw a. Pagpapalawig (20 minuto) Magkaroon ng talakayan tungkol sa akdang binasa noong Araw 1. Ano ang inyong reaksyon sa inyong binasa? Natuwa ba kayo? Nagustuhan ninyo? Sang-ayon ba kayo sa mga sinabi roon? Pangatwiranan. 2. Ano ang stereotyping? (Magbigay ng mga kongkretong halimbawa ng pag-ii-stereotype upang maging malinaw sa mga mag-aaral kung ano ito. Halimbawa: Kapag nakasalamin sa mata ang isang tao, ano ang karaniwang iniisip ninyo tungkol sa kaniya? Kapag naka-pink na damit ang isang lalaki, ano ang dating sa inyo?) 3. Iugnay ninyo ang stereotyping sa akdang inyong binasa. Sang-ayon ba kayo sa pag-uuri-uri ng mga tao, gaya ng inyong nabasa? Ano-ano ang mga maaaring maging epekto ng stereotyping sa mga tao? Isa-isahin at ipaliwanag. 4. Anong maganda o makabuluhang kaisipan ang mabubuo ninyo matapos ang ating pagbasa at talakayan? Ipahayag ninyo sa isang pangungusap. b. Sintesis (40 minuto) Sabihan ang mga mag-aaral na magpakilala sa mga kaklase sa pamamagitan ng paglalarawan ng isang bagay na sumisimbolo sa kanila. Tawagin sila isa-isa upang magsalita. Sapat na ang isa hanggang dalawang pangungusap na paglalarawan sa bawat estudyante. Ikatlong Araw a. Pangwakas na Pagtataya (60 minuto) Ipaalala sa mga mag-aaral ang huling gawain noong nakaraang araw: ang pagpapakilala ng bawat isa (sintesis). Dapat ay tumatak sa isip nila ang mga sinabi ng kanilang mga kaklase dahil makatutulong ito para lalo pa nilang makilala ang isa’t isa. Para masukat kung nakinig nga sila sa gawain, sila ay magsusulat ng mga pangungusap na naglalarawan tungkol sa kanilang mga kaklase. Gagamit sila ng mga pang-uri at pang-abay sa pagsusulat. Dapat ay makasulat ang isang mag-aaral tungkol sa 5 kaklase, 2-3 pangungusap bawat kaklase. LINGGO 4 I.Mga Kagamitan a. Kopya ng akdang “Sandaang Damit” b. Kartolina/manila paper para sa panimulang pagtaya (talasalitaan) c. Scotch tape d. Larawang nagpapakita ng “bullying” II. Pamamaraan Unang Araw a. Panimulang Pagtaya (10 minuto) Isulat sa pisara ang mga sumusunod na salita: teheras pupitre paanas abaloryo mapakagat-labi pambubuska walang-imik pagyayabang 1. Madalas na nag-iisa sa isang sulok at _______________ ang batang babae. 2. Mahina at ________________ pa kung ito’y magsalita. 3. Kung minsa’y di bahagyang sulyapan ang mga pagkaing nasa ibabaw ng __________________ ng kaniyang mga kaklase. 4. Tumindi ang ___________________ at panlalait ng mga kaklase sa batang babae. 5. Punung-puno ng maliliit, makikinang, at makukulay na __________________ ang damit ng batang babae. 6. Nakadispley sa ____________________ ang sari-saring damit ng batang babae. Ipabasa sa mga mag-aaral ang mga pangungusap nang isa-isa. Papiliin sila ng salitang akma sa bawat pangungusap, mula sa kahon. Ibigay sa klase ang kahulugan ng mga salita ayon sa gamit nito sa pangungusap. b. Pagganyak (5 minuto) Magpaskil sa pisara ng larawan ng bullying. Tanungin ang mga mag-aaral: -Alam ba ninyo kung ano ang bullying? -Mayroon na ba sa inyong nakaranas nang ma-bully? c. Presentasyon at Pagpapayaman ng Teksto (25 minuto) Magtawag ng mga estudyanteng magbabasa nang malakas sa bawat bahagi ng kuwento (pinutol ng mga gabay na tanong ang kabuuan ng kuwento). Hihinto sa pagbasa sa bawat tanong na isiningit. Tumawag ng mga estudyanteng nais sumagot sa tanong. Pagkatapos ay tumawag ng iba namang estudyante para magbasa ng susunod na bahagi ng kuwento. Ulitin ang proseso hanggang matapos. Sandaang Damit ni Fanny Garcia May isang batang mahirap. Nag-aaral siya. Sa paaralan ay kapansin-pansin ang kaniyang pagiging walang-imik. Malimit siyang nag-iisa. Laging nasa isang sulok. Kapag nakaupo na’y tila ipinagkit. Laging nakayuko, mailap ang mga mata, sasagot lamang kapag tinatawag ng guro. Halos paanas pa kung magsalita. Naging mahiyain siya sapagkat maaga niyang natuklasang kaiba ang kaniyang kalagayan sa mga kaklase. Ipinakita at ipinabatid nila iyon sa kaniya. Mayayaman sila. Magaganda at iba-iba ang kanilang damit na pamasok sa paaralan. Malimit nila siyang tuksuhin sapagkat ang kaniyang damit, kahit nga malinis, ay halatang luma na, palibhasa’y kupasin at punong-puno ng sulsi. Ilarawan ang pisikal at emosyunal na kalagayan ng batang babae. Kapag oras na ng kainan at labasan na ng kani-kanilang pagkain, halos ayaw niyang ilitaw ang kaniyang baon. Itatago niya sa kandungan ang kaniyang pagkain, pipiraso ng pakonti-konti, tuloy subo sa bibig, mabilis upang hindi malaman ng mga kaklase ang kaniyang dalang pagkain. Sa sulok ng kaniyang mata ay masusulyapan niya ang mga pagkaing nakadispley sa ibabaw ng pupitre ng mga kaklase: mansanas, sandwiches, kending may iba-ibang hugis at kulay na pambalot na palara. Ang panunukso ng mga kaklase ay hindi nagwawakas sa kaniyang mga damit. Tatangkain nilang silipin kung ano ang kaniyang pagkain at sila’y magtatawanan kapag nakita nilang ang kaniyang baon ay isa lamang pirasong tinapay na karaniwa’y walang palaman. Kaya lumayo siya sa kanila. Naging walang kibo. Mapag-isa. Bakit naging malulungkutin at walang-kibo ang batang babae? Ang nangyayaring ito’y hindi naman lingid sa kaniyang ina. Sa bahay ay di minsan o makalawa siyang umuuwing umiiyak dahil sa panunukso ng mga kaklase, at siya’y magsusumbong. Mapapakagat-labi ang kaniyang ina, matagal itong hindi makakakibo, at sabay haplos nito sa kaniyang buhok at paalong sasabihin sa kaniya, hayaan mo sila anak, huwag mo silang pansinin, hamo, kapag nakakuha ng maraming pera ang iyong ama, makakapagbaon ka na rin ng masasarap na pagkain, mabibili na rin kita ng maraming damit. At lumipas pa ang maraming araw. Ngunit ang ama’y hindi pa rin nakapag-uwi ng maraming pera kaya ganoon pa rin ang kanilang buhay. Ngunit ang bata’y unti-unting nakaunawa sa kanilang kalagayan. Natutuhan niyang makibahagi sa malaking suliranin ng kanilang pamilya. Natutuhan niyang sarilinin ang pagdaramdam sa panunukso ng mga kaklase. Hindi na siya umuuwing umiiyak. Hindi na siya nagsusumbong sa kaniyang ina. Ano sa iyong palagay ang estado sa buhay ng pamilya ng batang babae? Patunayan ang iyong sagot. Sa kaniyang pagiging tahimik ay ipinalalagay ng kaniyang mga kaklase na siya’y kanilang talun-talunan kaya lalong sumidhi ang kanilang pambubuska. Lumang damit. Di masarap na pagkain. Mahirap. Isinalaksak nila sa kaniyang isip. Hanggang isang araw ay natuto siyang lumaban. Sa buong pagtataka nila’y bigla na lamang nagkatinig ang mahirap na batang babaeng laging kupasin, puno ng sulsi, at luma ang damit, ang batang laging kakaunti ang baong pagkain. Yao’y isa na naman sanang pagkakataong walang magawa ang kaniyang mga kaklase at siya na naman ang kanilang tinutukso. “Alam n’yo,” aniya sa malakas at nagmamalakiing tinig, “ako’y may sandaang damit sa bahay.” Nagkatinginan ang kaniyang mga kaklase, hindi sila makapaniwala. “Kung totoo ‘ya’y ba’t lagi na lang luma ang suot mo?” Mabilis ang naging tugon niya, “Dahil iniingatan ko ang aking sandaang damit. Ayokong maluma agad.” Naniniwala ka bang may sandaang damit ang batang babae? Bakit oo? Bakit hindi? “Sinungaling ka! Ipakita mo muna sa’min para kami maniwala!” Iisang tinig na sabi nila sa batang mahirap. “Hindi ko madadala rito. Baka makagalitan ako ni Nanay. Kung gusto n’yo’y sasabihin ko na lang kung ano ang tabas, kung ano ang tela, kung ano ang kulay, kung may laso o bulaklak.” At nagsimula na nga siyang maglarawan ng kaniyang mga damit. Ayon sa kaniya’y may damit siya para sa iba-ibang okasyon. May damit siyang pambahay, pantulog, pampaaralan, pansimbahan, at iba pa. Naging mahaba ang kaniyang pagkukuwento. Paano’y inilarawan niya hanggang kaliit-liitang detalye ng bawat isa sa kaniyang sandaang damit. Tulad halimbawa ng isang damit na pandalo niya sa pagtitipon. Makintab na rosas ang tela nito na sinabugan ng pinaggupit-gupit na mumunting bulaklak at makikislap na rosas at puting abaloryo. Bolga ang manggas. May tig-isang malaking laso sa magkabilang balikat. Hanggang sakong ang haba ng damit. O kaya’y ang kaniyang dilaw na pantulog na may prutas sa kuwelyo, manggas, at laylayan. O ang kaniyang puting pansimba na may malapad na sinturon at malalaking bulsa. Mula noo’y naging kaibigan niya ang mga kaklase. Ngayo’y siya ang naging tagapagsalita at sila naman ang kaniyang tagapakinig. Lahat sila’y natutuwa sa kaniyang kuwento tungkol sa sandaang damit. Nawala ang kaniyang pagkamahiyain. Naging masayahin siya bagaman patuloy pa rin ang kaniyang pamamayat kahit ngayo’y nabibigyan nila siya ng kapiraso ng kanilang baong mansanas o sandwich, isa o dalawang kendi. Ngunit isang araw ay hindi pumasok sa klase ang mahirap na batang babaeng may sandaang damit. Saka ng sumunod na araw. At nang sumunod pa. At pagkaraan ng isang linggong hindi niya pagpasok ay nabahala ang kaniyang mga kaklase at guro. Ano sa iyong palagay ang nangyari sa batang may sandaang damit? Bakit kaya siya hindi nakakapasok sa eskwela? Isang araw ay nagpasya silang dalawin ang batang matagal na lumiban sa klase. Ang natagpuan nilang bahay ay sirasira at nakagiray na sa kalumaan. Sumungaw ang isang babaeng payat, iyon ang ina ng batang mahirap. Pinatuloy sila at nakita nila ang maliit na kabuuan ng kabahayan na salat na salat sa anumang marangyang kasangkapan. At sa isang sulok ay isang lumang teheras at doon naratay ang batang babaeng may sakit pala. Ngunit sa mga dumalaw ay di agad ang maysakit ang napagtuunang-pansin kundi ang mga papel na maayos na maayos na nakahanay at nakadikit sa dingding na kinasasandigan ng teheras. Lumapit sila sa sulok na yaon at nakita nilang ang mga papel na nakadikit sa dingding ay ang drowing ng bawat isa sa kaniyang sandaang damit. Magaganda, makukulay. Naroong lahat ang kaniyang naikuwento. Totoo’t naroon ang sinasabi niyang rosas na damit na pandalo sa pagtitipon. Naroon din ang drowing ng kaniyang pantulog, ang kaniyang pansimba, ang sinasabi niyang pamasok sa paaralan na kailanma’y hindi nasilayan ng mga kaklase dahil ayon sa kaniya’y nakatago’t iniingatan niya sa bahay. Sandaang damit na pawang iginuhit lamang. Ano ang iyong naging damdamin sa wakas ng kuwento? Bakit ganito ang iyong naramdaman? Alam ba ninyo kung ano ang diskriminasyon? Iugnay ninyo ito sa kuwento. d. Pagpapayaman (20 minuto) Matapos ang maikling talakayan sa klase, ipagawa ang sumusunod (Maaaring pangkatan o di kaya ay indibidwal na gawain): 1. Ipatukoy sa klase ang mga pagbabago o transpormasyong naganap sa pangunahing tauhan mula sa simula ng kuwento hanggang katapusan. Linawin na ang pagbabagong kailangan nilang maibigay ay nakatuon sa pagbabago ng ugali, pagtingin sa sarili at pagtingin sa kanyang kalagayan sa buhay. 2. Pagkatapos, ipakita nila ang transpormasyong ito sa pamamagitan ng pagguhit ng iba’t ibang klase ng damit na kakatawan sa mga yugto ng pagbabago sa batang babae. 3. Hayaang makapagbahagi ang klase. 4. Sa gawaing ito, maaaring sundin ang sundin ang sumusunod: a. Matapos nating marinig ang kuwento ng batang babae at ang tungkol sa kanyang isang daang damit, tukuyin o di kaya’y isa-isahin ang mga pagbabago sa ugali, pananaw ng bata sa kanyang sarili, at sa pagtingin niya sa kanyang kalagayan sa buhay. (Maaaring humingi ng ilang halimbawa sa mga estudyante at isulat sa pisara) b. Ipakita ninyo ang mga pagbabagong ito sa pamamagitan ng pagguhit ng iba’t ibang klase ng damit na kakatawan sa transpormasyong naganap sa kanyang buhay. c. Ibahagi sa klase ang inyong gawain. Ikalawang Araw a. Pagpapalawig (45 minuto) Talakayan. Alam ba ninyo kung ano ang diskriminasyon? Iugnay ninyo ito sa kuwento. 1. Paano ipinakita ng may-akda na naging biktima ng diskriminasyon ang batang babae? Ipaliwanag nang mabuti sa klase ang sagot sa pamamagitan ng paglalahad ng mga tiyak na pangyayari. 2. Sa iyong palagay, naging matagumpay ba ang awtor sa pagpapalutang ng ganitong ideya sa kaniyang akda? Bakit mo ito nasabi? Pangkatang Gawain. Hatiin ang klase sa 4. Bawat pangkat ay magdudula-dulaan tungkol sa iba’t ibang uri ng diskriminasyon sa lipunan: Grupo 1 – Diskriminasyon sa kulay/lahi Grupo 2 – Diskriminasyon sa katayuang sosyoekonomiko (mahirap) Grupo 3 – Diskriminasyon sa relihiyon Grupo 4 – Diskriminasyon sa kasarian (bakla, tomboy) Bigyan ng 8-10 minutong paghahanda ang mga grupo bago sila ipagtanghal. b. Sintesis (15 minuto) Pagawain ng bookmark ang mga estudyante tungkol sa mensahe ng tekstong kanilang binasa. Isulat sa pisara ang mga kailanganin sa bookmark. 1. Sa harap ng bookmark, ipasulat ang mensahe ng akda. 2. Sa likod, pasulatin ng isang paalala ang mga estudyante tungkol sa malaking responsibilidad ng bawat isa upang tuluyan nang mawala ang di pantay na pagtingin sa kapwa. 3. Palagyan ng disenyo ang mga bookmark. 4. Hayaang magpalitan ng gawain ang mga estudyante. Ikatlong Araw a. Presentasyon (45 minuto) Pagtuturo ng Idyoma Maghanda ng mga piraso ng manila paper/kartolina na kinasusulatan ng: 10 idyoma at 10 kahulugan ng idyoma. (Halimbawa: bahag ang buntot – duwag, may gatas pa sa labi – bata pa, etc.) Ibigay ang mga piraso ng papel sa mga mag-aaral (random). Bigyan sila ng pagkakataong hanapin ang kapareha nila (idyoma at kahulugan nito ang bubuo sa bawat pares). Pag nahanap na nila, dapat nilang gamitin sa pangungusap ang idyoma. Talakayin ang konsepto ng idyoma Pagtuturo ng Simili at Metapora Balikan ang mga nabuong pangungusap ng klase: sabihan ang bawat isa na ikumpara ang kanilang sarili sa isang bagay. Mula rito, italakay ang simili at metapora. b. Pangwakas na Pagtataya (15 minuto) Sa kalahating intermediate paper, ipalarawan sa mga estudyante ang naging buhay ng pangunahing tauhan sa pamamagitan ng pagbuo ng akrostiks. Ipaalalang sa kanilang paglalarawan, kailangang gumamit ng mga idyoma at tayutay na angkop sa pinagdaanang buhay ng batang babae. B A T A D A M I T LINGGO 5 I. Mga Kagamitan Unang Araw a. Kopya ng akdang “Kung Bakit Umuulan” Ikalawang Araw a. Cartolina, craft paper, o Manila paper para sa poster b. Lumang magazine at diyaryo, art paper, krayola at iba pang pangkulay para sa poster II. Pamamaraan Unang Araw a. Panimulang Pagtaya (20 minuto) Magbigay ng halimbawa ng payak at masining na paglalarawan gamit ang salitang hangin. Pagkatapos, himukin ang klase na subuking magbigay ng kanilang sariling halimbawa ng payak at masining na paglalarawan para sa nasabing salita. hal. Payak na paglalarawan • Banayad na hangin • Malamig na hangin • Kanluraning hangin Masining na paglalarawan • Naglalambing na hangin • Nagbabagang hangin • Dayuhang hangin Hatiin ang klase sa limang grupo. Bigyan ang bawat grupo ng isa sa limang salitang ito: 1. langit 2. araw 3. ulap 4. buwan 5. ulan Pagkatapos, ipaliwanag na ang bawat grupo ay maglilista ng mga payak na paglalarawan at masining na paglalarawan ng salitang naiatas sa kanila. Maaaring gawin ang paglilista ng mga grupo sa pisara (hahatiin sa lima ang pisara at doon maglilista ang mga mag-aaral) o maaari ring bigyan ang bawat grupo ng Manila paper. Sabihin sa kanila na hindi lamang ang dami ng paglalarawan ang titingnan kundi ang kalidad nito. Himukin ang mga mag-aaral na mag-isip ng mga masining na paglalarawan na hindi ginagamit ang salitang ibinigay sa kanila (hal. ulan - luha ng langit). Talakayin sa klase ang inilista ng bawat grupo. Narito ang ilang gabay sa pagtalakay ng mga inilistang paglalarawan: • Pansinin ang mga paglalarawan na maaaring hindi wasto ang pagkakahanay (hal., payak na paglalarawan na nakasulat sa masining). Iminumungkahing tanungin sa klase kung bakit kaya hindi naging masining/payak ang paglalarawan. Maaari ditong tanungin kung ano sa tingin nila ang katangian ng isang payak at isang masining na paglalarawan. • Pansinin rin ang mga katangi-tanging paglalarawang inilista. Tanungin sa klase kung bakit kaya naging epektibo ang paglalarawan na iyon. • Sa dulo ng talakayan, tanungin sa klase kung bakit kaya kinailangan ng mga taong gumamit ng payak at masining na paglalarawan. b. Pagganyak (10 minuto) Ipaliwanag na hindi lamang paglalarawan ang kinailangan ng mga tao ukol sa mga bagay sa paligid nila. Sinasagot ng paglalarawan ang tanong na ano, kailan, saan, at paano. Kinailangan rin nilang bumuo ng mga kuwento tungkol sa pinagmulan ng mga bagay upang sagutin ang tanong na bakit: Bakit umuulan? Bakit mataas ang langit? Himukin ang mga mag-aaral na magbahagi ng mga alam nilang mga alamat o kuwento tungkol sa mga salitang inilarawan nila. Pagkatapos, ihanda ang klase sa isang pagbabahagi ng kuwento tungkol sa ulan. c. Presentasyon (10 minuto) Ikuwento sa klase ang ‘Kung Bakit Umuulan.’ d. Pagpapayaman (20 minuto) Pagkatapos ng kuwento ay alamin kung ano ang opinyon dito ng inyong klase. Pagkatapos, maaaring gamitin ang sumusunod na mga tanong upang magabayan ang inyong talakayan hinggil sa kuwentong ‘Kung Bakit Umuulan.’ 1. Ilarawan ang relasyon ni Tungkung-Langit at Alunsina. 2. Ano-ano ang mga inaasahan ng bawat tauhan sa kanilang kabiyak? 3. Paano tinugunan ng magkarelasyon ang mga inaasahang ito? Makatarungan ba ang kanilang naging pagtugon? 4. Sino sa tingin ninyo ang may higit na makatarungang ikinilos? Bakit? Ikalawang Araw a. Pagpapayaman (30 minuto) Hatiin ang klase sa grupong kinabibilangan ng lima hanggang anim na miyembro para sa isang panggrupong talakayan. Narito ang ilang mga tanong na maaaring gamitin upang magabayan ang mga mag-aaral sa kanilang talakayan. 1. Magbahagi ng ilang karanasan kung saan mayroong ayaw ipagawa sa inyo dahil sa inyong edad, ngunit nakatitiyak kayo na sapat na ang inyong kakayahan o karanasan upang magawa ito. 2. Ano ang inyong naramdaman sa karanasang iyon? 3. Ano ang inyong naging tugon sa karanasang iyon? b. Pagpapalawig (30 minuto) Pagkatapos ng panggrupong talakayan, magbigay ng mga materyales sa bawat grupo para sa paggawa ng isang poster. Lalamanin ng poster ang isang mensahe hinggil sa kanilang mga napag-usapan sa kanilang talakayan. Ikatlong Araw a. Pagpapalawig (10 minuto) Bigyan ang mga grupo ng maigsing oras upang puliduhin ang kanilang mga poster na ginawa noong ikalawang araw, at upang maghanda sa pagbabahagi ng kanilang gawa sa klase. b. Sintesis (30 minuto) Hayaang ibahagi ng lahat ng grupo ang ginawa nilang poster, gayundin, himukin silang ibahagi ang ilan sa kanilang mga napag-usapan sa talakayan. c. Pangwakas na Pagtataya (20 minuto) Pagkatapos magbahagi ng bawat grupo, ipaalala sa kanila ang kuwento ng “Kung Bakit Umuulan” at talakayin ang kaugnayan ng kanilang mga ibinahagi at ang karanasan ni Alunsina. Maaaring gamitin ang sumusunod na mga tanong upang magabayan ang inyong talakayan. 1. Ano-ano ang mga pagkakapareho ng inyong karanasan sa naging karanasan ni Alunsina sa kuwento? 2. Paano ninyo nilutas ang inyong mga naranasang paghahadlang na iba sa paraang ginawa ni Alunsina? LINGGO 6 I. Mga Kagamitan Unang Araw a. Kopya ng akdang “Alamat ni Tungkung Langit” Ikalawang Araw a. Lapis at papel II. Pamamaraan Unang Araw a. Panimulang Pagtaya (10 minuto) Talasalitaan. Isulat sa pisara ang mga sumusunod na pangungusap. Pahulaan sa mga mag-aaral, gamit ang konteksto ng pangungusap, ang kahulugan ng mga salitang nakasalungguhit. Pagkapos ng bawat bilang, humingi sa mga mag-aaral ng mga pangungusap na ginagamit ang mga talasalitaan. 1. Napapatigalgal si Tungkung Langit tuwing maririnig ang aking tinig. 2. Madalas akong gumawi sa aming pasigan, at manalamin sa malinaw na tubig habang sinusuklay ang mabangong buhok. 3. At ang pag-iral na yaon ang sinasagkaan ng aking pinakamamahal. 4. Subalit pinatititikan ko siya sa dayaray upang mabatid ang kaniyang paroroonan. 5. Naghunos na mga bituin ang mga hiyas ko’t mutya. b. Introduksiyon (15 minuto) Banggiting muli ang kuwentong binasa nila noong nakaraang linggo (“Kung Bakit Umuulan”). Bumuo ng simpleng banghay ng kuwento sa pisara, kasama ang inyong mga estudyante. Maaaring gawin ito sa anyo ng isang flowchart, upang higit na makatulong sa mangyayaring talakayan. Pagkatapos, ipakilala ang akda para sa araw na ito. Sabihin na isa itong muling pagsasalaysay ng kuwento ni Alunsina at ni Tungkung Langit. Hingin sa mga mag-aaral na pansinin ang mga pagkakaiba at pagkakatulad ng dalawang akda habang nakikinig sila sa iyong pagkukuwento. c. Presentasyon (15 minuto) Ikuwento ang “Alamat ni Tungkung Langit” na muling isinalaysay ni Roberto Añonuevo. d. Pagpapayaman (20 minuto) Sa tabi o sa ibaba ng banghay ng “Kung Bakit Umuulan,” gumawa ng banghay ng kuwentong “Alamat ni Tungkung Langit.” Magkaroon ng talakayan tungkol sa kuwento. Narito ang mga tanong na maaari ninyong gamitin sa talakayan: 1. Ilarawan si Tungkung Langit. Anong klase siyang asawa? 2. Paano mo naman ilalarawan si Alunsina? 3. Bakit nagkaroon ng hinanakit si Alunsina kay Tungkung Langit? 4. Tama bang maghihinanakit si Alunsina kay Tungkung Langit? 5. Pagkumparahin ang banghay ng kuwento noong nakaraang linggo at ang kuwento natin ngayon. May pinagkaiba ba ang daloy ng dalawang kuwento? 6. Aling bersiyon ang mas naibigan ninyo? Bakit? Ikalawang Araw a. Pagpapayaman (20 minuto) Bawat mag-aaral ay gagawa ng isang Venn Diagram upang paghambingin ang karakterisasyon kay Tungkung Langit at Alunsina sa dalawang bersiyon ng alamat. b. Pagpapalawig (20 minuto) Magkaroon ng talakayan tungkol sa kanilang ginawang paghahambing. Gumawa ng malaking Venn Diagram sa pisara at magpatulong sa mga mag-aaral na punan ito. Pagkatapos, talakayin ang pagkakaiba ng paglalarawan ng dalawang alamat kay Tungkung Langit at Alunsina. Narito ang ilang tanong na maaaring gamitin: 1. Bakit kaya pinili ng may-akda ng “Alamat ni Tungkung Langit” na baguhin ang ilang katangian ng mga tauhan? 2. Ano ang naging epekto ng mga pagbabagong ito sa pagkilala at pagturing ninyo sa mga tauhang ito? 3. Sa parehong akda, makikita ang papel ng kasarian sa ikinilos ng mga tauhan. Ano-ano ang mga ito? 4. Sa kasalukuyang panahon, may epekto pa rin ba ang kasarian sa maaaring ikilos ng isang tao? c. Sintesis (20 minuto) Bawat mag-aaral ay bubuo ng isa pang Venn Diagram na pinaghahambing ang inaasahan na mga katangian ng kanilang kasarian at ang sarili nilang mga katangian. Ikatlong Araw a. Sintesis (50 minuto) Magpasulat ng sanaysay na binubuo ng tatlong talata pataas batay sa paksang: Ano-ano ang mga nagiging limitasyon ninyo dahil sa kasarian? b. Pangwakas na Pagtataya (10 minuto) Hayaang magbahagi ang ilang mag-aaral ng kanilang mga isinulat na sanaysay sa klase. LINGGO 7 I. Mga Kagamitan Unang Araw a.salamin (mirror) b. salamin (eye glasses) c. kopya ng akdang “Salamin” na nakasulat sa manila paper Ikalawang Araw a. kopya ng akdang “Salamin” na nakasulat sa manila paper Ikatlong Araw a. kopya ng akdang “Salamin” na nakasulat sa manila paper b. litrato ng bawat mag-aaral noong bata pa sila c. pinakabagong litrato ng bawat mag-aaral d. salamin (mirror) II. Pamamaraan Unang Araw a. Panimulang Pagtataya (10 minuto) Magpakita ng isang mirror at isang eye glasses. “Ang tawag sa dalawang ito ay salamin. Pareho ang katawagan sa ating wika. Ano ang kanilang pagkakatulad at pagkakaiba?” Itala sa pisara ang sagot ng mga mag-aaral. Tiyaking lilitaw ang sagot na nagpapakita ng repleksiyon at nagpapalinaw ng pagtingin. b. Introduksiyon (15 minuto) Kapag napalabas ang mga sagot na repleksiyon at nagpapalinaw sa pagtingin; tanungin ang mga sumusunod na tanong.  May dala bang halaga ang paglinaw ng paningin? (Itala sa isara ang mahahalagang salitang binanggit ng mag-aaral)  May dalang halaga ba ang makita ang repleksiyon ng sarili? (Itala sa isara ang mahahalagang salitang binanggit ng mag-aaral)  Kailan ba tayo naliliwanagan? Kailan natin nasasabing malinaw ang ating pagkakaintindi sa isang bagay?  Ano ang repleksiyon? c. Presentasyon (15 minuto) Magpaskil ng pangklaseng kopya ng akda.  Ipabasa nang malakas sa klase ang tula.  Hatiin sa apat ng pangkat at klase at ipabasa nang malakas ang saknong na iniatas sa kanila. (Pansinin ang mga salitang bibigyang-diin ng mga mag-aaral) d. Pagpapayaman (20 minuto) Talakayin ang bawat linya ng tula. Itanong sa klase ang mga sumusunod:  Ano ang pagkakaintindi ninyo sa unang (ikalawa/ikatlo/ikaapat) saknong?  Anu-ano ang mahahalagang salita na dapat pansinin?  Bakit ang mga salitang ito ang inyong pinili?  Sa una nating pagbasa ng tula, ano ang nabubuo ninyong “sinasabi” ng tula? Ikalawang Araw a. Pagpapayaman (25 minuto) Tiyaking nakapaskil muli ang tula sa pisara. Balik-aral: Anu-ano ang mahahalagang punto na napag-usapan sa nakaraang sesyon? (Maaari kang magbigay ng pagsusulit dito) Hatiin ang klase sa apat na pangkat. Ipabasa nang malakas ang saknong na iniatas sa bawaty pangkat. Susuriin ng bawat pangkat ang saknong na ibinigay sa kanila. Ipaalala sa mga mag-aaral na dapat nilang tingnan ang relasyon ng mga saknong, na ang bawat isa’y mahalagang bahagi ng buong tula. Ilang mugkahi para sa pagsuri ng tula. Maaaring simulan ang pagsusuri sa pagtukoy kung ito’y may  Sukat  Tugmaan  Mga Imaheng nabubuo b. Pagpapalawig (35 minuto) Iuulat ng bawat grupo ang kanilang mga ginawa at tatalakayin ang kanilang mga sagot. Tanungin ang mga sumusunod na tanong para sa bawat saknong habang nag-uulat o pagkatapos mag-ulat ng mga grupo sa kani-kanilang saknong. Unang saknong: 1. Anong salamin ang tinitingnan ng persona? 2. Sino ang nakita sa salamin? Bakit “kakambal” ang turing niya? Bakit hindi niya tinuringang “ako”? 3. Ilarawan ang nakita ng persona? Ilang taon na kaya ang persona? Anong bahagi ng tao ang kaniyang inilarawan? 4. Ano ang bagong nalaman ng persona sa kaniyang kaharap? Ikalawang saknong: 1. Ano ang paglalarawan ng persona sa kaharap? Anong bahagi ng tao ang kaniyang inilalarawan? 2. Ano ang ibig sabihin ng dibdib na kumakabog? Natutulog? 3. Kailan kumakabog/ natutulog ang dibdib? 4. Ano ang nararamdaman ng persona ng tula? Ikatlong saknong: 1. Ano ang tinutukoy ng salitang “dito”? 2. Ano ang kahulugan ng mangingibig? Asawa ba ito? Kasintahan? Lover (ano ang konotasyon nito?) Ano ang sinasabi nito sa inilalarawan? 3. Babae ba o lalaki ang persona? 4. Ano ang nagtatago sa dibdib? Ano ang halaga ng salitang “nagtatago”? 5. Ano ang halaga na ang “Diyos ay nakikinig”? Ano ang ginagamit ng Diyos para makilala ang persona? Ikaapat na saknong: 1. Ano ang kahulugan ng salitang “tatapatan”? Ano ang kahulugan ng “tapat”? Ano ang akmang kahulugan ng tapat para sa tulang ito? 2. Sa huli, ano ang napagtanto ng persona sa kaniyang nakita? 3. Pansinin ang mga salitang “titingin”, “magmamasid”, at “sisipatin”. Ano ang pagkakaiba ng bawat isa? Bakit ito ang ginamit na mga salita? (pansinin ang progreso ng kahulugan ng bawa salita na umaakma sa progreso ng pagtingin ng persona) Sa ating ikalawang pagbasa ng tula, ano ang lumalabas na “sinasabi” ng tula? Ano ang mga nagpapaganda sa tulang ito? Magbigay ng takdang aralin. Magpadala sa bawat mag-aaral ng:  Litrato ng sarili noong bata pa  Pinakabagong litrato ng sarili  Salamin (mirror) Ikatlong Araw a. Pagpapayaman (10 minuto) Muling ipaskil ang kopya ng tula. Magbalik–aral sa mga tinalakay noong ikalawang araw. (Maaari kang magbigay ng pagsusulit dito.) Muling balikan ang tanong sa pagtatapos ng nakaraang sesyon: Sa ating ikalawang pagbasa ng tula, ano ang lumalabas na “sinasabi” ng tula? Ano ang mga nagpapaganda sa tulang ito? b. Sintesis (10 minuto) Sabihan ang mga mag-aaral na suriin ang kanilang mga sarili. Tingnan at suriin ang mga litratoong dala ng mga mag-aaral. Ano’ng pinagkaiba ng inyong pisikal na anyo, noon at ngayon? Masasabi ba ninyong may pagbabago rin sa inyong personalidad noon at ngayon? Tumawag ng ilang tao na makapagbabahagi ng mga pagbabagong napansin nila. Itala sa piasara ang mga napansing pagbabago. c. Pangwakas na Pagtaya (40 minuto) Bigyan sila ng 15 minuto upang sumulat ng isang talata na naglalarawan ng mga pagbabago napansin nila sa kanilang sarili. Pagkatapos, hatiin ang klase sa mga pangkat na binubuo ng 4 na katao. Bigyan sila ng panahon upang magbahaginan ng isinulat. Tumawag ng ilang pangkat upang ibahagi sa klase ang karaniwang lumalabas sa kanilang usapan. Pansinin ang mga pagkakatulad sa mga pangkat upang magamit sa paglalagom ng sesyon. Ipapasa ang mga talatang isinulat. LINGGO 8 I. Mga Kagamitan Unang Araw a. kopya ng akdang “Ang Pintor” na nakasulat sa manila paper b. kopya ng teksto c. larawan ng isang painting na abstract Ikalawang Araw a. Maliliit na piraso ng papel na may mga tayutay (5 piraso) II. Pamamaraan Unang Araw a. Panimulang Pagtaya at Pagganyak (10 minuto) Magpakita ng isang larawan (painting na hindi dapat abstract) ang guro sa harap ng klase. Hayaan silang suriin ito. Kung maaari ay ipasuri ito sa mga bata nang malayuan at malapitan. Siguraduhing magkakaroon sila ng pagkakataong makita ang kabuuan nito. Talakayin ang mga sumusunod na tanong sa mga mag-aaral: 1. Ano ang mga nakita mo sa loob ng larawan? 2. May mga nakita ba kayong iba mula sa inyong paglapit at paglayo? 3. Kailan nagkaroon ng kalinawan ang larawan sa inyo? 4. Ano kaya ang ipinahahayag ng larawan? b. Introduksiyon (10 minuto) Talakaying muli ang mga sagot nila tungkol sa larawan: 1. Mula sa mga sagot kanina, ano kaya ang ipinahahayag ng pintor sa larawan? 2. Maayos ba niyang naitawid ang ideyang ito? 3. Kung oo, paano? 4. Kung hindi, bakit? Ano pa kaya ang maaari niya sanang gawin? c. Presentasyon (5 minuto) Ipabasa sa mga mag-aaral ang akda nang sabay-sabay. Babasahin ng guro (nang mag-isa) ang tula sa harap ng klase. Bigyang-diin ang mahahalagang salita/linya. d. Pagpapayaman (20 minuto) Hatiin ang klase sa 8 pangkat. Ang bawat pangkat ay aatasang gumuhit ng larawan ng saknong na itatakda sa kanila.  Taludtod 1-2 – Pangkat 1 at 2  Taludtod 3-4 – Pangkat 3 at 4  Taludtod 5-6 – Pangkat 5 at 6  Taludtod 7-8 – Pangkat 7 at 8 Ibabahagi ng bawat pangkat ang kanilang mga iginuhit. e. Pagpapalawig (15 minuto) Talakayan: 1. Ano ang nangyari sa mga iginuhit ng pintor? 2. Anong mga salita ang magpapatunay sa inyong sinabi? 3. Maituturing bang nabigyang-buhay ng pintor ang kaniyang larawan? 4. Ano ang nangyari sa pintor sa huling dalawang saknong? Nagbigay-buhay ba siya o nasira ang kaniyang buhay? 5. Para saan ngayon ang talento na mayroon tayo? Sa pagsusuri ng sarili, mayroon kang matutuklasan. May mga kakayahan kang hindi dapat itinatago subalit dapat na ibinabahagi.  Kailangan ritong makapagbigay-inspirasyon ang guro na mahikayat niya ang mga mag-aaral na gamitin ang kanilang talento upang bigyang-buhay ang sarili at ang iba. Ikalawang Araw a. Introduksiyon (15 minuto) Isulat ang mga sumusunod na pangungusap sa maliliit na piraso ng papel: 1. Amoy basang medyas ang kuwarto natin ngayon! 2. Gaposte na si Marya ngayon. 3. Ngumiti sa akin ang araw sa aking pagtingala. 4. Kumakaway ang mga bulaklak sa hardin. 5. Pakiramdam ko nililitson ako sa sobrang init. Pumili ng limang kalahok mula sa klase na aarte ng mga nabanggit na pangungusap. Tanungin ang mga mag-aaral kung may kakaiba sa mga ginamit na pangungusap. b. Presentasyon (25 minuto) Sa nakaraang sesyon, napag-aralan natin ang pagbibigay-buhay ng pintor sa kanyang guhit/larawan. Kanina, nakita natin ang pagbibigay-buhay ng inyong kamag-aral sa ilang pahayag. Ngunit paano kung salita lamang ang makikita natin? Paano natin bibigyang-buhay sa isipan ng tao ang nais nating iparating kung mababasa lamang niya ay mga salita? Ituro ang mga uri ng tayutay: Pagtutulad  Pinakasimpleng paraan ng paglalarawan at paghahambing.  Madalas na gumagamit ng mga salitang: Tulad ng, Parang, Gaya ng, Kasing-, Sing-, at Ga-  Gaano ka kaya kasuwerte ngayon? Sing-alat ng bagoong ang suwerte ko ngayon!  Gaano kataas ang ginagawang gusali? Sintaas ng Tore ni Babel ang bagong gusali! Pagwawangis  Paglalarawan na hindi gumagamit ng mga katagang nabanggit sa pagtutulad  Gaano siya kagaling lumangoy? Pating ‘yan sa tubig!  Ano ang amoy ng bagoong? Kapag mas amoy-paa ang bagoong, mas masarap! Pagtatao  Paglalarawan sa mga bagay sa paligid gamit ang mga katangiang pantao lamang.  Ano ang nangyari sa mga puno? Yumuyugyog ang puno ng niyog.  Paano kumikilos ang oras? Tumatakbo ang oras. Pagmamalabis  Sobra-sobrang paglalarawan, madalas na hindi na makatotohanan.  Gaano siya kapawis? Timba-timba ang pawis niya.  Gaano kalamig sa bundok ngayon? Pakiramdam ko’y nasa loob ako ng freezer! Magtala sa pisara ng mga halimbawa ng paggamit ng tayutay na galing sa mag-aaral. c. Pagpapayaman (20 minuto) Bumuo ng grupo na may tatlong miyembro at isa-konteksto ang mga sumusunod na halimbawa gamit ang mga tayutay. 1. Bilang ng taong nagwewelga dahil sa dagdag presyo ng langis. 2. Amoy ng bagong tabas na damo. 3. Lawak ng sakahan/dagat/gubat. (iayon sa konteksto ng mag-aaral) 4. Dami ng kamag-aral na nasa parehong nibel/baitang. 5. Lasa ng pagkaing paboritong lutuin ni Nanay. Pagbotohan ng klase ang pinakamahusay na pagkakapahayag sa bawat bilang. LINGGO 9 I.Mga Kagamitan Unang Araw a.manila paper (4 piraso) b.kopya ng akdang “Impeng Negro” c.mga larawan ng Ayta, Ifugaw, Maranaw at Badjaw. Ikalawang Araw a. lapis at 1/4 pad b. manila paper II. Pamamaraan Unang Araw a. Panimulang Pagtaya (10 minuto) Talasalitaan. Isulat ang mga sumusunod sa pisara. Ipabasa ang mga salita at mga kahulugan. Ipagamit sa mga mag-aaral ang mga salita sa sariling pangungusap ¥ talungko – pag-upo na dikit ang binti sa hita at nakabitin sa puwit ¥ giray – sirâ ¥ ginagad – ginaya na gustong magpatawa ¥ nanghinamad – nag-inat dahil sa pakiramdam ng katamaran ¥ namamalirong -namamaga ¥ nangangalirang – labis na natutuyo ¥ sumusuno – sumama ¥ tinutop – tinatakpan ng kamay ¥ nagkalugkugan – nagkalampagan ¥ pahalipaw – nagkalat ng mga maliliit na bagay b. Introduksiyon (15 minuto) Hatiin sa apat na pangkat ang klase. Ilalarawan ng bawat pangkat ang pisikal na katangian ng bawat pangkat etniko. Ibabahagi ng isang miyembro mula sa bawat pangkat at kanilang napag-usapan. c. Presentasyon (15 minuto) Inaasahang nabasa na ng mga mag-aaral ang akda. Ipaliwanag ang buod ng akda. Magpatulong sa mga mag-aaral sa pagbuo ng buod sa pamamagitan ng paglalarawan kay Impeng Negro at Ogor, ang tunggalian ng kuwento, tagpuan ng kuwento at kung paano nalabanan ni Impeng Negro ang pang-aapi. d. Pagpapayaman (20 minuto) Ipaliwanag ang konsepto ng rasismo (racism). Rasismo ang ipinapakita ng mga taong may pandidiri o galit sa taong kaiba ang pamumuhay, relihiyon o lahi. Magiging tuon ng talakayan ang dahilan ng pang-aapi ni Ogor kay Impeng Negro at ang pagbangon ni Impeng Negro. Sa kanilang buhay mag-aaral, mayroon na rin ba silang naranasang diskriminasyon tulad ng rasismo. Ipaunawa na ang rasismo at iba pang uri ng diskriminasyon ay hindi lamang nagbabatay sa kulay ng balat. Magsimula ng talakayan tungkol sa rasismo. Ikalawang Araw a. Pagpapayaman (25 minuto) Hatiin sa 4 na pangkat ang klase. 1. Unang grupo: bubuo ng isang story mountain tungkol sa mahahalagang pangyayari sa akda 2. Pangalawang grupo: pagguhit ng tagpuan ng akda at maikling paglalarawan dito 3. Pangatlong grupo: paghahambing kay Ogor at Impeng Negro gamit ang isang Venn Diagram 4. Pang-apat na grupo: pagbibigay ng ilang halimbawa kung paano naipapakita ang rasismo sa kasalukuyang panahon. b. Pagpapalawig (25 minuto) Ipapakita ng bawat grupo ang kanilang mga ginawa at tatalakayin ang kanilang mga sagot. Pag-uusapan din kung paano naipapakita sa mga simpleng bagay ang rasismo, lalo na sa loob ng silid-aralan, sa paaralan, at sa pamayanan. c. Sintesis (10 minuto) Pakuhain ng 1/4 pad ang mga mag-aaral. Pasulatin sila ng ilang ideya at saloobin nila tungkol sa rasismo. Ididikit ang mga 1/4 sa isang manila paper, na magsisilbing Freedom Wall ng klase. Ikatlong Araw a. Sintesis (10 minuto) Tatalakayin ng mga mag-aaral sa tulong ng guro ang mga mahahalagang nangyari sa akda at ang mensahe nito tungkol sa rasismo. b. Pangwakas na Pagtaya (50 minuto) Ipasulat ng maikling tula ang bawat grupo. Maaaring paksa ng tula ang buhay ni Impeng Negro o buhay ni Ogor. Ipabahagi sa ilang mag-aaral ang kanilang mga tula. Kung may nalalabi pang oras, ipabahagi sa bawat grupo ang kanilang tula. Magbigay ng Takdang Aralin. Ipabasa ang “Ambahan” ni Ed Maranan. LINGGO 10 I. Mga Kagamitan Unang Araw a. cutout ng mga salita at larawan para sa talasalitaan b. manila paper (4 piraso) c. kopya ng akdang “Ang Ambahan ni Ambo” ni Ed Maranan d. visual aid ng mga ambahan sa akda II. Pamamaraan Unang Araw a. Panimulang Pagtaya (15 minuto) Talasalitaan. Bigyan ang bawat mag-aaral ng isang cutout ng salitang nasa pangungusap, kahulugan nito o larawan nito. Kailangan nilang hanapin ang kahulugan ng salitang nasa pangungusap at ang larawan nito. Kapag nagsama-sama na, babasahin at ipapakita ng bawat grupo ang kanilang mga salita at larawan. Halimbawa:Dumadausdos ang ilog patungo sa lawa mula sa itaas ng bundok. BUMABABA • dumadausdos – bumababa • suklob – tabon • humilis – tumugtog • kumalanting – tumugtog • agung – isang uri ng gong • manik – butil na gamit sa paggawa ng kuwintas • hihip – plawtang kawayan • makasabat – makasalubong • anas – mahinang ingay • dalisdis – gilid ng bundok • nakayungyong – nagbibigay ng lilim b. Introduksiyon (15 minuto) Magtanong sa klase tungkol sa kanilang mga karanasang nagpalawak sa kanilang kaalaman. Halimbawa, napapalawak ng pagkakita ng mga bagong hayop ang kaalaman ng mga mag-aaral tungkol sa mga hayop. Pipili lamang ang guro ng ilang magbabahagi. Ipaliliwanag ng guro na ang pakikisalamuha sa iba’t ibang uri ng tao ay nagpapalawak din ng kaalaman. Aanyayahan ang mga mag-aaral na tuklasin kung paano napalawak ang kaalaman nina Jack at Anne sa pagkilala nila kay Ambo at ang mga Mangyan sa kuwentong “Ang Ambahan ni Ambo”. c. Presentasyon (30 minuto) Inaasahang nabasa na ng mga mag-aaral ang akda. Ipaliliwanag ng guro ang buod ng akda. Tutulungan siya ng mga mag-aaral sa pagbubuo ng buod sa pamamagitan ng pagsagot at pagtalakay sa sumusunod na tanong: 1. Ilarawan ang mga tauhan sa kuwento? 2. Ano ang mahahalagang pangyayari sa kuwento? 3. Ano ang layunin ng pamilya nina Jack at Anne sa pagpunta sa Mindoro? Natupad ba ito? 4. Ano ang mga suliranin ng mga Mangyan? Paano ito nasolusyunan? 5. Paano nakatulong sa pagpapalawak ng kanilang karanasan ang pagpunta nina Jack at Anne sa Mindoro? Babasahin ng guro at ng klase ang dalawang ambahan sa akda. Ipapaliwanag ng guro na ang ambahan ay isang tradisyonal na tula ng mga Mangyan. Mayroon itong isahang tugma at may sukat na pituhang pantig bawat linya. Wala namang nakatakdang haba ito. Ang ambahan ay karaniwang kinakanta at maaaring sabayan ng isang instrumento. Karaniwang tungkol sa isang sitwasyon sa búhay ang nilalaman ng ambahan. Babasahin ang dalawang ambahan sa kuwento at tatalakayin ang sumusunod na tanong. I. Kaibigang dumayo sa malayo kong kubo masanay kaya kayo sa hirap ng buhay ko walang aliwan dito kundi awit ng tao kundi ang pangangaso kundi kislap sa damo pagkalipas ng bagyo. II. Paalam, kaibigan salamat sa pagdalaw sana’y di malimutan malayong kabundukan ay laging naghihintay nananabik ang buhay sa ating katuwaan hindi ito paalam masayang paglalakbay! 1. Ano ang sukat at tugma ng mga ambahan? Sa una, pituhan ang pantig ng bawat linya at ang mga huling salita sa bawat linya ay may tunog na “o” na walang impit. Sa pangalawa, pituhan ang pantig ng bawat linya at ang mga huling salita sa bawat linya ay may tunog na “a” + mahinang katinig (l, m, n, ng, r, w, y). 2. Tungkol saan ang mga ambahan? Sa una, tungkol sa pakikibagay ng mga dumayo sa buhay ng mga Mangyan. Sa pangalawa, tungkol sa pamamaalam sa mga dayuhan at sa pag-asang bumalik silang muli. Ikalawang Araw a. Pagpapayaman (35 minuto) Hahatiin sa apat na pangkat ang klase. Unang grupo: gagawa ng tsart o listahan ng mga mahahalagang pangyayari ng akda (Tingnan ang learning package) Pangalawang grupo: pagguhit ng tagpuan ng akda at maikling paglalarawan dito Pangatlong grupo: paghahambing sa pagitan ni Ambo (at ng mga Manyan) at ang pamilya nina Jack at Anne (Tingnan ang learning package) Pang-apat na grupo: pagtatala ng mga bagong kaalaman na natutuhan nina Ambo, Jack, at Anne sa pakikisalamuha sa isa’t isa b. Pagpapalawig (25 minuto) Ipaliliwanag ng isa o ilang miyembro ng bawat pangkat ang kanilang gawain. Tatalakayin ang mga sagot ng mga mag-aaral batay sa akda. Ikatlong Araw a. Sintesis (10 minuto) Bubuurin ng mga mag-aaral sa tulong ng guro ang mga mahahalagang nangyari sa akda at ang mensahe nito tungkol sa pagpapalawak ng kaalaman sa pamamagitan ng iba’t ibang uri ng karanasan. b. Pangwakas na Pagtaya (50 minuto) Magsusulat ng dalawang ambahan ang bawat pares o grupo ng tatlong mag-aaral (tingnan ang learning package). Kailangang tandaan ang mga katangian ng ambahan: may isahang tugma at may pituhang pantig. Walang kailangang bilang ng linya (tingnan ang mga halimbawa sa akda). Ang unang ambahan ay maaaring tungkol kay Ambo, Pete, Tet, Jack, o Anne. Ang ikalawang ambahan ay tungkol sa kanilang karanasan na nagpalawak sa kanilang kaalaman. Maaaring idikit sa dingding ng silid ang mga ambahan para mabasa ng klase sa ibang oras.

Teachers Manual In Educational Technology

THE ULTIMATE GUIDE TO THE USE OF BLOGS IN TEACHING Blogging is one of the eventual realizations of web 2.0 technologies. It is the driving engine behind this online information revolution. Thousands of blogs are created every day and for different purposes. Some people blog to make money, some to share their voice with the world, some to immortalize their life events and diaries, and others blog just to vex and scam people. The tremendous ease of use of a blog has made it a web tool of great potential in education. From 2005 up to this moment, thousands of educational blogs have seen the light and educators from all around the globe have been experiencing with this medium in their teaching. In this regard, I deemed it important to pause for a while and create an easy and simple guide to remind you (in case you are an experienced blogger) and walk the new teachers (excited about how to use blogs in their classroom) through the different procedures and pedagogical implications behind the use of blogs in education. I am very much hoping that this guide is not like any other guide you would find online but a real summary and fruitful addition to the load of information written on this topic. Let me provide you first with the outline of this paper: 1. What is Blogging? 2. Difference between A Blog and a Website 3. Free Blogging Platforms for Teachers and Students 4. How to set up a Blogs 5. Things to Pay Heed to when Setting up a Classroom Blog 6. Blogging Tips for Teachers 7. Advantages of Blogging in Education 8. Ways Teachers Can Use Blogs in their Classrooms 9. Examples of Successful Student, Class, and Teacher Blogs WHAT IS A BLOG? A blog is a personal website that contains content organized like a journal or a diary. Each entry is dated, and the entries are displayed on the web page in reverse chronological order, so that the most recent entry is posted at the top. Readers catch up with blogs by starting at the top and reading down until they encounter material they’ve already read. DIFFERENCE BETWEEN A BLOG AND A WEBSITE Many students and some teachers still cannot draw a clear border between a blog and a website. Yes a blog is, in effect, a kind of a website organized by time and is the equivalent of a diary. It is like a digital magazine fuelled by fresh content to engage audience. The idea of content refreshment is in fact one of the major differences that sets a blog from a website. The content of a website remains mostly the same. Though the webmaster could add additional pages to the website to increase the content, but the order by which the information is presented could not be later changed. In blogs, there are posts, like the one you are reading now. Each post has its static page (its own URL), but the main page of the blog is dedicated to the series of later posts in reverse-chronological (latest to oldest) order. As for form, a blog has certain characteristics that a website does not such as: short posts, follower widgets, and commenting system. However, as a teacher here is what you need to keep in mind about a blog: • It is a form of a website • It is updated so often • Its articles appear in reverse-chronological order • It is frequently crawled by search engines • It covers a wide variety of articles • It is easily set up FREE BLOGGING PLATFORMS FOR TEACHERS AND STUDENTS: Now that you have an idea about what a blog is all about, here is a list of some of the best platforms to start with. Due to space constraints, I will only cite the four popular platforms but you can check out the rest of the free blogging platforms for teachers and students in the presentation embedded below. A- Edublogs The world's most popular educational blogging service, Edublogs lets you easily create and manage student and teacher blogs, quickly customize and include videos. B- Blogger This is a free weblog publishing tool from Google, for sharing text, photos and video. This is probably the most user friendly blogging platform out there. You can set up as many blogs as you want and right from your Google account. C- Wordpress This is another great blogging platform for students and teachers and is very easy to use and completely free. Check out the complete list of free blogging platforms for both teachers and students in my presentation below: HOW TO SET UP A BLOG It depends on the kind of blogging platform you are going to use but generally speaking, the process is very easy and takes only a couple of minutes. Here are some tutorials: How to set up a blog on Edublog How to set up a blog on Blogger How to set yp a blog on Wordpress THINGS TO PAY HEED TO WHEN SETTING UP A CLASSROOM BLOG • Choose an appropriate blogging platform for your situation • Understand why and how you will use it in your class • Understand the features you and your students will need to use • Set up your students accounts • Know what to do when students forget their login inforamtion and keep that info safe • Make sure that all of your students will have fair and equal access to computers to get the job done • Let parents and guardians know what you are doing • Set the rules for students • Create a code of ethics. BLOGGING TIPS FOR TEACHERS Now that you have considered using blogs with your students, here are some tips to keep in your mind before you get started: • Choose the easiest platform for you and your students and one with which you are familiar. Chances are your students might already have blogs, ask them which platform they like and use it for your classroom. • Ask for parents’ permission • Teach students about online safety. Check out this article for resources • Teach students how to comment properly. • Posts should always be short and informative. It is better to start with an introduction of themselves and get them to write comments on each other’s posts. • Use simple language and correct grammatical structures • Invite parents to contribute in your class blog and get them to comment too • If you have blogs of other classes or you know of similar blogs then get them connected and let students build their communities • Give students some freedom to explore the blog • Don't grade. Blogging is meant to be a way to practice writing for an audience and learning to respond to critique, not a graded paper. • Challenge students. Use activities and games and inspire your students to write about certain topics • Give it more time. If you think all students would straight away fall in love with your classroom blog then you are wrong. Some students take to it right away, others are not so sure, and yet they will all end up loving it. BENEFITS OF BLOGGING IN EDUCATION Here are some of the main reasons why teachers and educators should consider blogging as an educational medium: • Students enjoy blogging • Blogging enhances literacy skills • Using a blog makes learning independent of time and place • It gets students engaged and boost their motivation • It promotes their communication skills • Just like other asynchronous media, blogs give time to students to reflect • It makes teaching students oriented • It emphasizes the " test and learn" and " learning by doing" strategies instead of " plan and execute " ones • It fosters the learning bonds between teachers and students • It gives a chance to shy students to participate with their peers and get their voice heard • It keeps parents updated about their kid’s progress • It enhances home-school links • It gives students a genuine and potentially worldwide audience for their work. • Blogging gives students ownership over their own learning and an authentic voice allowing them to articulate their needs and inform their learning. • It contributes to identity-formation in students • Blogging helps teachers develop professionally • It fosters the development of writing and research skills as well as digital skills. WAYS TO USE BLOGS IN YOUR CLASSROOM Here are some ways on how teachers can use blogs in their classrooms: • Provide further assignments for students to work on • Have students work in small groups to write and post summaries of content covered in class to build a compendium for content covered over a semester • Get students to do their writing assignments in the form of blog posts • Encourage students to post comments on each other’s postings • Use blogs for peer learning. Get students to read their colleagues writings and underline spelling and grammatical mistakes • Use blogs for classroom projects where students can include videos, clips, audio,, text and images • Teachers can create a specific section just for website links and references to other interesting content online. • Use activities, games, puzzles to enrich students learning experiences • Use blogs to conduct an online survey in relation to your students learning needs. You can also include parents in the surveys. Check out these free survey tools for teachers. • Post your classroom guidelines and code of conduct on your classroom blog for students to review • Publish a list of the objectives (general as well as specific goals) • Challenge your students to write, record and post tutorials about certain concepts of things you teach them • Use a section in your blog for classroom news where to communicate the general classroom news. Work with students to identify the kinds of information they would like to share with their parents, then engage them in writing and posting daily or weekly news updates • Post weekly challenges such as a riddle or brainteaser that requires your students to think creatively and critically. Ask students to post their answers on the blog then discuss the solutions with the whole class at the end of the week. This will tremendously improve their problem-solving skills • Again use your blog as a communicative tool both with your students and their parents. EXAMPLES OF SUCCESSFUL BLOGS Here are some examples of some of the best blogs nominated for Edublogs awards for the year 2011. The complete list of the best Teacher blogs nominated for Edublogs for 2011 The complete list of the best Student blogs nominated for Edublogs for 2011 The complete list of the best Class nominated for Edublogs for 2011 Webliography : 1- Blogs in Education 2- Connecting through blogs 3- 11 advantages of using blogs for teachers 4- Moderating and ethics for the classroom instructional blog 5- Should all learning professionals be blogging 6- Resourcing the curriculum 7- 14 Steps to meaningful students blogging 8- 15 Awesome ways to use blogs in your classroom 9- My 17 point check-list for teaching good writing and blogging 10- How to set up a classroom blog: ten essential steps 11- Educational Blogging 12- A List of the best tools for teachers to create blogs for their students